PNP PATULOY SA PAGPLANTSA SA SEGURIDAD NG IKA-4 SONA

PINANGUNAHAN ni PNP chief Nicolas Torre lll, ang command conference nitong Martes dakong alas-kwatro ng madaling araw sa Camp Crame.

Sa command conference na dinaluhan ng mga miyembro ng Command Group, Regional at District Directors ng NCRPO at mga director ng Operations, Investigation and Detection Management, Intelligence at Police Community Relations ay tinalakay ang seguridad sa nalalapit na ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 28, 2025.

Sinabi ni Gen. Torre, ang paggising nang maaga ay maliit na sakripisyo kumpara sa tiwalang ibinibigay ng mamamayan sa mga programa ng PNP.

Walang pang eksaktong bilang ng pulis na ipakakalat sa aktibidad ni Pangulong Marcos, subalit tiniyak ng PNP na katulad ng mga naunang SONA ay magiging maayos ang latag ng seguridad at mapayapa ito.

(TOTO NABAJA)

42

Related posts

Leave a Comment