IPINAUUBAYA na ni Senador Christopher Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapasya itong i-veto ang pondo ng Toll Regulatory Board (TRB) bunsod ng kaguluhan sa implementasyon ng cashless transaction sa toll expressways.
Ayon sa senador, may ginagawa nang imbestigasyon ang Department of Transportation (DOTr) para maisaayos ang matinding trapiko na nilikha ng instalasyon ng RFID.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Go na malaki ang tiwala nito kay DOTr Secretary Arthur Tugade na maaayos ang problema sa nasabing usapin.
Nanawagan din si Go kay Tugade na suspindehin na ang mga dapat masuspinde o kaya ay sibakin ang mga ito lalo pa at mainit na ang ulo ng mga motoristang apektado ng pagpapatupad ng RFID system. (NOEL ABUEL)
189
