Pondo sa eleksyon hindi sa pandemya? BORACAY CASINO GAGATASAN

MAAARING hindi talaga para sa COVID-19 pandemic fundings ang pangunahing dahilan kung bakit binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa pagbibigay ng lisensya sa casino lalo na sa Boracay, kundi para makalikom ng election funds.

Suspetsa ito ni House deputy minority leader Carlos Zarate matapos bigyan ng pangulo ng go signal ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na mag-isyu na ng bagong lisensya sa operasyon ng mga bagong casino.

“Lifting of casino-operation ban in Boracay Island to supposedly generate funds for the government’s COVID-19 pandemic response is actually just a ploy to raise more election funds for his clique’s candidates and, strategically give the monopoly of casino operations to his allies thru the Boracay Island Development Authority,” ani Zarate.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil kung kailangan malapit na ang eleksyon ay saka pinayagan ng pangulo ang casino sa Boracay gayung noong 2018 ay tinutulan niya ito.

“Pres. Duterte’s recent announcement regarding casinos is step two in monopolizing the casinos in Boracay using the yet to be enacted Boracay Island Development Authority (BIDA), which would have the power to contract, lease, buy, sell, acquire, own, or dispose real property of whatever nature,” dagdag pa ng mambabatas.

Nangangamba rin ito na papatayin ng BIDA ang maliliit na negosyo sa nasabing isla sa sandaling magsimula na ang operasyon ng casino dahil walang binatbat ang mga ito pagdating sa dami ng pera ng casino operators.

“BIDA would even also trample on the rights and mandate of the local governments of Aklan province and Malay town,” ayon pa kay Zarate.

Tuloy ang ligaya

Nauna rito, binigyan na ng go signal ni Pangulong Duterte ang plano ni Macau-based Galaxy Entertainment Group at tycoon Andrew Tan na magpatuloy sa pagtatayo ng integrated casino-resort projects sa Boracay Island.

Inihayag ito ni PAGCOR chairman Andrea Domingo nang tanungin kung alin sa mga plano ng Galaxy Entertainment and Tan’s Megaworld ang inaprubahan ni Pangulong Duterte.

Noong Sabado kinumpirma ang pagbibigay ng basbas ni Pangulong Duterte sa operasyon ng casino sa Boracay.

“Prior to the ban imposed for Boracay, yes,” ayon kay Domingo nang tanungin kung ang casino projects ay nakakuha na ng gaming licenses mula sa PAGCOR.

Noong Pebrero 2018, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapatigil sa pagpasok at pagpapatayo ng mga bagong casino sa Pilipinas upang mapigilan ang oversupply.

Ipinagbawal din ng pangulo ang pagtatayo nito sa Boracay habang nililinis ang isla.

Taong 2017 nang ianunsyo ng Galaxy Entertainment Group Ltd. at ng local partner nito na Leisure and Resorts World Corp. na magtatayo sila ng $500-million casino resort sa Boracay island. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

201

Related posts

Leave a Comment