UMAPELA si Pope Francis para sa kapayapaan sa gitna ng nagbabadyang malawakang giyera sa Europa bunsod ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
“Despite the diplomatic efforts of these past weeks, increasingly alarming scenarios are emerging,” sabi pa ng Santo Papa. “I ask all of the parties involved to abstain from any action that could cause still more suffering for the population.”
Dahil dito, hinimok ng Santo Papa ang mga Kristiyano na sa darating na Ash Wednesday (Marso 2) na siyang simula ng Kuwaresma ay ilaan bilang araw ng pag-aayuno, pagninilay at pagdarasal para sa kapayapaan.
“So that the reign of peace can preserve the world against the madness of war,” sabi pa ng namumuno sa Simbahang Katoliko.
Ginawa ng Santo Papa ang apela matapos ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa kanilang ‘peacekeeping forces’ na pasukin na ang dalawang rehiyon sa Ukraine na kinikilala na nilang ‘independent.’
Samantala, nananatiling “chief and singular” concern ng Pilipinas ang mga Pilipino sa gitna ng tensyon sa Ukraine.
Sa isang kalatas, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi masasaktan o mapapahamak ang mga Pilipino sa Ukraine at magkakaroon ng safe exit sa pinakamalapit na border.
“Our offer to take Filipinos in Kiev is underway and Undersecretary Sarah Arriola is spearheading the repatriation effort for Filipinos who want to come home,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, humigit-kumulang 380 Pilipino ang naninirahan sa Ukraine, karamihan sa kanila ay nasa Kyiv at matatagpuan malayo sa silangang hangganan malapit sa Russia.
“The Philippine Embassy in Warsaw keeps close coordination with the DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs and the Philippine Honorary Consulate General in Kyiv in arranging the repatriation of Filipinos who have chosen to avail of the Philippine government’s voluntary repatriation program from Ukraine,” ayon sa DFA. (CHRISTIAN DALE)
