POPULASYON NG PINAS SASAMPA SA 112M SA 2022

SA pagtaya ng Commission on Population and Development (POPCOM), maaaring lumobo ang populasyon ng bansa at pumalo sa 112 million sa susunod na taon.

Isa umano sa mga posibleng dahilan nito ay “unintended pregnancy.”

Sinasabing pumalo sa 109 milyon ang populasyon sa Pilipinas matapos ang magkakasunod na lockdown na ipinatupad upang makaiwas sa COVID-19.

Nakasaad sa Proclamation 1179 na ipinalabas ng Malakanyang na “as official for all purposes” ang resulta ng 2020 census, kung saan pumalo sa 109,035,343 katao “as of May 1, 2020” ang populasyon sa bansa.

Binigyan ng batas ng mandato ang Philippine Statistics Authority na magsagawa ng national census of population at iba pang data kada 10 taon mula 1980.

Matatandaang nito lamang buwan ng Maso, sinabi ni Pangulong Duterte na “high time” para sa pamahalaan na rebisahin ang family planning program.

Aniya, apektado ng malaking populasyon ang epektibong implementasyon ng COVID-19 protocols, lalo na sa urban areas o taga-lungsod. (CHRISTIAN DALE)

234

Related posts

Leave a Comment