INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya na agad tugunan ang napaulat na pagsisikip sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal (MICT).
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, updated ang Pangulo sa sitwasyon at pinatututukan ito sa Bureau of Customs (BOC).
“Kung anoman ang nagiging problema dito sa port congestion, iyan po ay pinapatutukan ng Pangulo,” ani Castro.
Batay sa ulat ng BOC hanggang Pebrero 19, nananatiling mababa sa 90% ang yard utilization levels: Port of Manila – 79.80%; MICT – 84.45%; Batangas – 49.60%; Subic – 60%; Cebu – 33%; at Davao – 68.34%.
Ayon sa BOC, kadalasang nagkakaroon ng congestion tuwing weekends ngunit bumabalik sa normal ang daloy kapag weekdays.
Tiniyak din ng ahensya na aktibo ang crisis management protocols sakaling umabot sa critical level ang utilization rate, kasabay ng mas pinaigting na koordinasyon sa international shipping lines at iba pang stakeholder upang matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon.
(CHRISTIAN DALE)
1
