PORT OF DAVAO, PORT OF ZAMBOANGA LUMAMPAS SA TARGET

BOC DOCS

HUMATAW SA FEBRUARY COLLECTION

LUMAMPAS sa kani-kanilang month of February collection targets ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao at Port of Zamboanga base sa kanilang pinakahuling tala.

Ang BOC Port of Davao ay nakapagtala ng kabuuang koleksyon ng P2, 308, 768,285.12 na lumagpas sa nakatalaga sa kanilang target na P2,241,000.00.

Dahil dito, ay nakapagtala ng +3.02% sobra na may katumbas na P67,768,285.12.

Kaugnay nito, sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong nakaraang Lunes, pinasalamatan ni District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ang ginawang tulong ng mga opisyal at tauhan ng Collection District XII na naging dahilan ng kanilang pagkakaabot sa kanilang monthly collection target.

Samantala, nakapagtala rin ng lagpas sa kanilang month of February 2020 ang BOC Port of Zamboanga.

Sa tala ng Port of Zamboanga nitong Pebrero, 2020 ay nakakolekta sila ng P350,110,147.00.

Ang month of February target ng Port of Zamboanga ay P43,000,000.00 kung kayat nakapagtala sila ng P307,110,147.00 o katumbas na P714.21%.

Ang magandang revenue collection ng Port of Zamboanga ay dahil sa pamumuno ni Acting District Collector Segundo Sigmundfreud Barte, Jr.

Ang Port of Davao at Port of Zamboanga ang kauna-unahan sa labing pitong (17) Collection Districts na nakalagpas sa kanilang target collection sa ilalim ng BOC. JO CALIM

 

165

Related posts

Leave a Comment