POSIBLENG KASABWAT SA PAGLABAS NG INMATE SA CALOOCAN BINUBUSISI

TULOY-TULOY ang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para alamin kung may kasabwat ang isang opisyal na nauna nang inaresto matapos umanong palabasin ang isang murder suspect sa Caloocan na aniya’y para sa isang “case build-up.”

Kinilala ang suspek na si Police Lt. Col. Emmanuel Gomez, 54-anyos, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD), na agad isinailalim sa inquest proceeding matapos ang kanyang pagkakaaresto.

Nahaharap ngayon si Gomez sa kasong paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code o “conniving with or consenting to evasion of service of sentence.”

Ayon kay NCRPO Spokesperson Maj. Hazel Asilo, patuloy ang malalimang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang opisyal o tauhan ng DSOU na sangkot sa naturang insidente.

Naisumite na rin ng duty jailer ang kanyang sinumpaang salaysay, na kasalukuyang sinisiyasat ng mga imbestigador.

Dagdag ni Asilo, bukod sa kasong kriminal, maaari ring masampahan ng administrative case si Gomez — na posibleng magresulta sa pagkatanggal niya sa serbisyo.

(TOTO NABAJA)

16

Related posts

Leave a Comment