Posisyong deputy speaker ginawang pabuya – Banayo KAMARA NAGING ‘CHEAP’ KAY VELASCO

GINAWANG “cheap” ni House Speaker Lord Allan Velasco ang posisyong deputy speaker ng House of Representatives na singkong mamera na lang na maituturing nang gawin niya itong “pabuya” sa mga kaalyadong kongresista na sumuporta sa kanya sa nangyaring Speakership row kay dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa kanyang column sa pahayagang Manila Standard, sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo na sa ginawang pagdagdag pa ni Velasco ng 9 deputy speakers na umabot na sa kabuuang 28 ay malinaw na wala nang dignidad at self-respect ang Kamara.

Kung dati umano ay 3 lamang ang deputy speaker na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao, ngayong 28 na ang mga ito ay lumalabas na sa bawat 1 deputy speaker ay 10 mambabatas na lamang ang hawak nito.

“Having 28 deputy speakers alone means each leader is theoretically in charge of just 10 other peers in the 300 -member House. For reasons of self-respect and dignity, naman. Has anyone in the House of Representatives discovered the meaning of gravitas,”pahayag nito.

Aniya, hindi lamang dagdag gastos ang pagkakaroon ng sangkaterbang deputy speaker kundi nangangahulugan din ito ng dagdag pang pangingialam sa mga polisiya.

“Not only because it costs our taxpayers additional perks, and a pre-emptive say on the pork, but also because the deputy speaker becomes a member of the “comite de pakialam”, as in pwedeng pakialaman ang lahat,” paliwanag nito.

Ani Banayo, sa ginawa ni Velasco na gawing deputy speaker ang kanyang mga kaalyado ay lalo lamang nitong pinababa ang imahe ng Kamara.

Gayundin ang tingin ng batikang political analyst na si Ramon Casiple. Aniya, masyado nang pinahahalata ni Velasco na ang galawan sa Kamara ay bilang paghahanda sa 2022 election, bukod sa dinagdagan nito ang bilang ng deputy speaker ay dinagdagan din ng ilang bilyong piso ang infrastructure budget ng mga kaalyadong kongresista.

“Ito ‘yung kapalit ng suporta na natanggap nya (Velasco) sa mga kaalyadong congressman eh, posisyon at pera, ang dali nyang ipamigay ang posisyon at pera pero ang pondo ng bayan ang syang nakataya,” pahayag ni Casiple kung saan sa laki umano ng budget ng mga mambabatas ay kalahati lamang ang napupunta sa mga proyekto at kalahati ay sa bulsa.

Una nang sinabi ni Casiple na maituturing nang scandal ang pagkakaroon ng 28 deputy speaker dahil hindi kailangan ang ganito karami sa posisyon na wala namang nagagawa maliban sa dagdag gastos.

Ang siyam na bagong deputy speaker ay sina Arnolfo Teves Jr., Negros Oriental 3rd District; Rimpy Bondoc, Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zamboanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante Jr., Manila 6th District at ang dalawang kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep.Weslie Gatchalian at 1st District Rep. Eric Martinez.

Ang mga nabanggit na mambabatas ay may malaking papel na ginampanan sa pagbaba sa pwesto ni Cayetano kaya bilang kapalit nang maitalaga si Velasco na House Speaker ay plum position para sa mga ito.

Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din itong perks gaya ng budget na P200M at pagkakaroon ng voting powers sa mga committee.

195

Related posts

Leave a Comment