NAKAAMBANG muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (OIMB-DoE), base sa unang apat na araw ng kalakalan: ang Diesel ay posibleng tumaas ng ₱0.50 kada litro; Kerosene – tataas ng ₱0.25 kada litro; Gasolina – bahagyang bababa ng ₱0.05 kada litro.
Pero nilinaw ni Romero na ang maliit na pagbaba ng presyo ng gasolina ay maaari pang mahatak pataas depende sa ibang gastusin at posibleng dagdag-presyo rin sa susunod na linggo.
Dagdag pa ng DOE, ang gulo sa Middle East at ang pagbabago sa produksyon ng OPEC+ countries ang patuloy na nagtutulak sa paggalaw ng presyo ng langis.
(CHAI JULIAN)
