PRIVATE SECTOR PADIREKTAHIN SA VAX MAKERS

SA kabila ng naunang anunsyo na nakikipag-ugnayan na ang mga pribadong kumpanya sa isang vaccine manufacturer ay umapela pa rin si House Speaker Lord Allan Velasco sa gobyerno na payagan ang pribadong sektor na direktang bumili ng COVID-19 vaccines.

‘Since there is now ample supply of safe and effective COVID-19 vaccines globally, it is time that the national government consider allowing the private sector to deal directly with manufacturers to ensure a more sustainable and dependable supply of life-saving vaccines for Filipinos,” ani Velasco.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11525 o COVID-10 Vaccination Program Act of 2021, pinapayagan ang mga pribadong kumpanya at local government units (LGUs) na bumili ng sariling bakuna sa pamamagitan ng tripartite agreement.

Nangangahulugan na kailangan munang dumaan sa gobyerno partikular na sa National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang pribadong sektor at LGUs bago makipagnegosasyon sa vaccines manufacturers para sa bibilhing bakuna.

Pinag-aaralan na umano ng Kongreso na amyendahan ang nasabing batas upang malayang makabili ang pribadong sektor at LGUs para sa kanilang mga constituent.

“By granting the private sector greater participation in the vaccination campaign, the government can focus its resources on the inoculation of frontliners, uniformed personnel and vulnerable sectors,” paliwanag ng House leader.

Nauna rito, inanunsyo ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, na ang kanyang non-profit organization Go Negosyo ay nag-organisa ng isang pagpupulong sa pagitan ng mahigit 350 kumpanya at mga opisyal ng AstraZeneca upang makapaglatag ng inisyal na plano sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa 2022.

Ani Concepcion, sa meeting noong Disyembre 9, binigyan na ng go signal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pribadong sektor na bumili ng AstraZeneca vaccine doses sa susunod na taon. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

93

Related posts

Leave a Comment