2 ARESTADO SA RAPE SA 2 DALAGITA

rape

BULACAN – Dalawang hinihinalang rapist ang nadakip ng Bulacan Police sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Norzagaray at Plaridel matapos gahasain ang dalawang dalagita nitong nakaraang Martes.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Provincial Office (PPO), ang mga arestado na sina Ramil Rivas Luz, 52, security guard, at Emmanuel Ortiz, 39, tricycle driver.

Base sa report ng Norzagaray Police, si Ramil Rivas Luz ay inaresto matapos pagsamantalahan ang kanyang 12-anyos na stepdaughter.

Samantala, malamig na rehas din ang kinabagsakan ng suspek na si Emmanuel Ortiz nang pagsamantalahan ang isang 13-anyos na dalagita sa bayan ng Plaridel. (ELOISA SILVERIO)

86

Related posts

Leave a Comment