2 KIDNAPPER BULAGTA SA ENGKUWENTRO

PATAY ang dalawang hinihinalang kidnapper makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Batangas, nitong Miyerkoles ng medaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatunog ang isa sa mga  kidnapper na may may pulis na sumama sa taong magbibigay sana ng P100,000 ransom sa kanila.

Nagtangkang tumakas ang dalawang suspek ngunit inabutan sila ng mga pulis at dito nagkaroon ng palitan ng putok  na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Ayon sa pulisya, Martes pa ng hapon nang kontakin ng mga kidnapper ang kaanak ng dinukot nilang lalaki, kaya sila ay nagkasa ng entrapment operation.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya para tugisin ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek at upang sagipin ang biktima.

6

Related posts

Leave a Comment