4 PATAY SA MENINGOCOCCEMIA SA BATANGAS

MENINGOCOCCEMIA-2

DOH CALABARZON – Apat ang kumpirmadong namatay sa sakit na meningococcemia sa lalawigan ng Batangas na kinumpirma ng Department of Health (DOH) – Calabarzon.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng DOH, kabilang sa apat na namatay ay tatlong mga bata simula September 22 hanggang October 4, 2019.

Namatay sa magkaparehong ospital sa bayan ng Nasugbu ang 1 taon at 2 taon gulang na mga bata noong September 28 hanggang 29 habang namatay naman ang isang 53-anyos na babae noong Sept.22 sa Tanauan, Batangas.

Kumpirmado ring namatay ang 4 na buwang sanggol na taga-Liam, Batangas sa San Lazaro Hospital sa Manila habang inoobserbahan ng ospital.,

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang mga taong nakasalamuha ng mga namatay na pasyente habang umapela naman ang Batangas Provincial Health Office sa mga posibleng dinapoan ng sakit na meningococcemia na agad magpagamot para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Nanawagan naman si Batangas Vice Governor Mark Leviste na iwasang magpakalat ng fake news tungkol sa nasabing sakit para umano maiwasan ang magdulot ito ng takot sa Mamamayan sa probinsya.

Sinasabing nakukuha ang sakit na Meningococcemia sa direktang pakikisalamuha sa taong may sakit nito sa pamamagitan ng paghinga na puwedeng maging dahilan ng organ failure, severe disability at pagkamatay ng pasyente.

Nakakuha din umano ang sakit na ito tuwing buwan ng taglamig na kalat na rin sa ibang bahagi sa Asya.(Ni KOI HIPOLITO)

434

Related posts

Leave a Comment