BACO, ORIENTAL MINDORO NASA STATE OF CALAMITY

BACO-1

NASA state of calamity na ang bayan ng Baco sa Oriental Mindoro matapos malubog sa baha ang 90 porsyento ng bayan dahil sa bagyong Usman.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang paglalagay sa state of calamity sa kanilang bayan na ang ibang lugar ay nasa anim na talampakan ang taas ng baha.

Ayon sa report, nakadadaan na sa National Highway na sakop ng Barangay Bucayao at Panggalaan sa Calapan City ang malalaking sasakyan matapos bahagyang humupa ang tubig-baha.

Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang isang bata na nalunod sa Barangay Bucayao.

Samantala, umapaw naman ang Bongabong River sa Roxas, Oriental Mindoro kaya ilang pamilya sa Barangay San Rafael ang inilikas sa evacuation center.

10

Related posts

Leave a Comment