DRUG DEN NABUWAG NG PNP-ZAMBALES

0

“WE will blaze our own trail,” pahayag ni Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño makaraang madakip ng kanyang mga tauhan ang anim hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa umano’y drug den sa Iba, Zambales.

Noong Martes, Hunyo 29, 2021, dakong 12:05 ng madaling araw, sa Gomez Compound, Purok 4, Brgy. Sta. Barbara, Iba, Zambales, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Iba MPS (lead unit), PDEU-Zambales PPO at PIU Zambales PPO, alinsunod sa PDEA coordination control number 10004-062021-0811 na ipinarating kay PDEA RO3 Agent Michael Montalbo na may petsang Hunyo 29, 2021 na ang covered area of operations ay buong Zambales.

Sa pamamagitan ng undercover, nakabili ang team ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 buy-bust money mula sa suspek na si Reynante Patano y Cudal, high value targe individual.

Makaraan ito ay tumuloy ang mga awtoridad sa hinihinalang drug den sa Brgy. Sta. Barbara, Iba, Zambales.

Sa nasabing lugar ay naaktuhan ng mga pulis ang iba pang mga suspek habang bumabatak ng umano’y shabu.

Kinilala ang iba pang mga arestado na sina Mark Kevin Calimlim y Payumo, Romnic Gomez, Arturo Gomez y Landero, may-ari umano ng compound na kinaroroonan ng drug den; Prima Sumampil y Ventura, at Ronielyn Soriano y Mose.

Ayon sa intelligence reports, ang mga suspek ay mga miyembro ng Buela drug group na nag-o-operate sa Zambales area.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakapiit sa Iba MPS lock-up cell at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment