DSWD-11 AAYUDA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

dswd1

(Ni DONDON DINOY)

DAVAO CITY – NAGHAHANDA na ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)-11 upang tumulong sa mga lokal na gobyerno lalo na ang mga grabeng naapektuhan ng lindol na tumama sa iba’t ibang parte sa Mindanao kung saan pinakaapektado ang probinsya ng Davao del Sur.

Sinabi ni Erna Sampiano, chief ng Disaster Division sa DSWD-11 na naka-stand by na ang  higit 10,000 na mga relief goods, family kits at ang P3-milyong pondo na maaring ipamigay sa mga apektadong pamilya.

Ngunit nilinaw din ng nasabing kagawaran na kailangang malaman muna nila ang tamang bilang ng mga bibigyan ng tulong at sila mismo ang mamimigay nito dahil hindi maaring ipagkatiwala sa iba.

Samantala, muling nabahala ang mga bakwit sa Davao del Sur, matapos maramdaman ang magnitude 5.0 na tumama sa Timog Silangan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, alas 6:52 ng umaga kahapon, Sabado, Oktubre 19.

Naramdaman ang Intensity III sa lungsod ng General Santos, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng state seismic bureau na naramdaman din ang katulad na intensity sa mga bayan ng Alabel, Sarangani Province at Tupi, South Cotabato na may lalim na 27 kilometro at tectonic ang dahilan.

Ayon sa PhiVocs, naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City, instrumental Intensity IV sa Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato at Intensity I sa Kiamba, Sarangani.

Pinaalalahanan din ang publiko sa mga aftershocks.

Inaalam pa ng mga otoridad kung nadagdagan ang damyos sa mga propedad at kung may nasugatan sa nasabing aftershock.

Isinailalim na rin sa stress de briefing ang may higit 30 kabataan sa Purok 6, Brgy. Malawanit sa Magsaysay, Davao del Sur, upang makalimutan ang trauma sa nangyaring magnitude 6.3 na lindol na tumama noong gabi ng Miyerkules.

159

Related posts

Leave a Comment