GACULA SURE WIN NA SA TAYTAY; BONOY UMATRAS NA?

JORIC GACULA

Nakasisiguro na ng tagumpay sa halalan bukas, Mayo 13, si Joric Gacula makaraang iwanan nito ng milya-milya ang mga katunggali base sa resulta ng survey ng kapitolyo at congressional district 1 office.

Nakikitang nakatulong sa pangungunang ito ni Gacula ang endorsement ng mga religious groups lalo na ng Iglesia Ni Cristo (INC) at El Shaddai maging ng mga private institutions. Bukod pa rito ang kumalat na balitang pag-atras umano ni Vice Mayor Bonoy Gonzaga sa pagtakbo bilang mayor, makaraang makita umano na malabo ang kanyang tsansa na manalo.

Isa sa itinuturing na dahilan ng patuloy na pagkagusto ng mga mamamayan ng Taytay kay Gacula ang mga ipinatupad na mga proyekto at programa sa ilalim ng panunugkulan nito na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng Taytayeños.  Katulad pagkakaroon ng kongkretong kalsada, health center, day care center, bagong senior high school building na kaunanahan sa bayan ng Taytay. Nariyan din ang pamamahagi ng mga bagong sasakyan sa mga barangay  at Philippine National Police (PNP) para sa kampanya sa peace and order.

Bukod pa rito ang personal na pakikipag-usap umano ng alkalde sa kanyang mga constituents tuwing People’s Day kung Lunes hanggang Biyernes. Dito na rin niya  ipinagkakaloob ang mga tulong sa bawat  lumalapit sa kanyang tanggapan.

Samantala, ayon na rin sa mga taga-Taytay ay bihira umanong makita ang tumatakbong katunggali ng kasalukuyang mayor. Madalas lang umano itong magpakita tuwing eleksiyon at maging ang mga empleyado ay nagpapatunay na simula pa noong nanalong vice mayor si Gonzaga ay hindi man lamang umano ito dumalo sa flag raising ceremonies. Bagamat ang dahilan nito ay hindi umano siya binigyan ng upuan noong 2016 inauguration kaya hindi siya dumadalo sa nasabing event.

Pinasinungalingan naman ito ng kampo ni Gacula matapos  ipakita ang larawan noong inauguration day kung saan siya ay nakaupo katabi ng kanyang maybahay sa likuran mismo ng kinakalaban niyang mayor.

Kayat pinag-uusapan na ng mga Taytayeños na kung ginanap ang eleksyon noong araw na ginawa ang survey ay tatalunin umano ni Gacula ng may malaking agwat si Gonzaga.  Ito ay dahil na rin sa endorsement ng INC kay Gacula, sa kanyang runningmate sa pagka-vice mayor na si Mitch Bermundo at sa pitong konsehal.

204

Related posts

Leave a Comment