HELPER PATAY SA HIGH TENSION WIRE

CAVITE – Patay ang isang 50-anyos na helper na nagnais na kumita bagama’t lockdowm dahil sa coronavirus pandemic, makaraang makuryente habang nagkakabit ng roof flushing sa Dasmarinas City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Mariano Balingasa dela Vega, binata, ng Block 39, Lot 8, AFP Housing, Brgy. Bulihan, Dasmarinas City.

Sa ulat ni P/MSgt. Rolando Paulo Figueroa, dakong alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa bahay ng isang Catherine Guinto German sa Block 142, Lot 2, Phase 1, Mabuhay City Subd., Brgy Paliparan 3 ng naturang Lungsod. (SIGFRED ADSUARA)

71

Related posts

Leave a Comment