LALAKI NAHULOG SA INAKYAT NA PUNO NG MANGGA, PATAY

QUEZON – Nasawi ang isang lalaki matapos na mahulog mula sa malaking puno ng mangga na kanyang inakyat sa Brgy. Talisay, sa bayan ng Tiaong noong Lunes ng tanghali.

Agad nalagutan ng hininga at hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Anisito Saludario Sildo, 43-anyos, matapos na mabagok ang ulo nito.

Ayon sa report ng Tiaong Police, dakong alas-12:00 ng tanghali nang akyatin ng biktima ang puno ng mangga para manguha ng bunga.

Subalit nang nasa 20 feet na taas na ito, napaapak ito sa isang malutong na sanga at nahulog.

Una ang ulo itong bumulusok na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (NILOU DEL CARMEN)

75

Related posts

Leave a Comment