Natanggap na SAP subsidy, ipinangsugal 4 BFFs TIKLO SA MAHJONG

LAGUNA – Huli sa akto habang nagma-mahjong ang magkakaibigan sa isang bahay sa Brgy. Prinza sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, na pawang nakatanggap umano ng ayuda mula Social Amelioration Program ng DSWD.

Kinilala ni Mark Julius Escobar, acting chief of police ng Calauan, ang mga arestado na sina Aldrien Platero, 27; Michael Patriarca Cerilo, 27; Rinia Marlveda, 33, at Magdalenan Patriarca, 55-anyos.

Kumpiskado mula sa mga suspek ang mahjong set at P257 cash na kanilang taya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at RA 9287 (Act to Increase Penalties Against Illegal Numbers Games). (CYRILL QUILO)

154

Related posts

Leave a Comment