SUGATAN SA COTABATO CITY BLAST PUMALO NA SA 32

PUMALO na sa 32 ang mga sugatan na isinugod sa iba’t ibang ospital sa naganap na pagsabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City habang 2 ang kumpirmadong patay.

Dead on arrival sa ospital ang dalawang biktima na kinilalang sina Mylove Nataπa at Sidik Kutin.

Tatlo naman ang nasa critical condition na sasailalim sa operasyon.

Sinabi sa report na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City.

Ang mga sugatan ay itinakbo sa Cotabato Medical Specialist Hospital, United Doctors Hospital, Maternity Hospital at Cotabato Regional Medical Center Hospital.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa Cotabato City sa naganap na pagsabog.

7

Related posts

Leave a Comment