PROMOSYON NG PAMBANSANG WIKA, GAWIN BUONG TAON

IGINIIT ni Senador Robin Padilla na dapat isinasagawa ng lahat ang promosyon ng wikang pambansa ng buong taon at hindi lamang tuwing buwan ng Agosto.

Ang pahayag ay ginawa ni Padilla sa bisperas ng pagsisimula ng Buwan ng Wikang Pambansa sa ika-1 ng Agosto.

“Ang pambansang wika ay para sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, dapat bida ang wikang Filipino sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi lang sa Agosto,” giit ni Padilla.

“Mismong Saligang Batas ang nagsasabi na ang pambansang wika natin ay Filipino. Ayon sa Art. XIV, Sec. 6, Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas,” dagdag ng mambabatas.

Inihain ni Padilla ng Senate Bill 228 na naglalayong isalin sa wikang Filipino ang mga opisyal na dokumento ng pamahalaan ng Pilipinas para maintindihan ito ng pangkaraniwang Pilipino.

Sa ilalim ng panukalang batas, magiging opisyal na wika ang Filipino at Ingles sa lahat na opisyal na dokumento, kasama ang Executive issuances tulad ng implementing rules and regulations of acts, executive orders, proclamations, administrative orders, memorandum circulars and memorandum orders.

Gayundin ang Legislative documents tulad ng acts, bills, rules of procedures, resolutions, journals, and committee reports; Judicial Issuances and Proceedings tulad ng desisyon ng korte, rules at iba pang dokumento ng Supreme Court at lower courts; international treaties; public advisories; at publication of Acts. (DANG SAMSON-GARCIA)

286

Related posts

Leave a Comment