PROTESTA LABAN KAY PEMBERTON

NAGSAGAWA ng indignation rally ang mga kasapi ng LGBTQIA+ community sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ), bilang pagkondena sa desisyon ng Olongapo Regional Trial Court na palayain na ang Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton.

Kabilang sa nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Bahaghari at kanilang mga kaalyadong organisasyon gaya ng Gabriela Youth.

Naglagay rin sila ng mga pulang laso sa gate ng DOJ na simbolo umano ng “injustice” o kawalang hustisya para kay Laude at sa sambayanang Filipino.

Nauna rito, kinatigan ni Olongapo Regional Trial Court (RTC) Branch 74 Judge Roline Ginez-Jabalde, ang partial motion for reconsideration na inihain ni Pemberton.

Ito ay dahil napagsilbihan na ni Pemberton ang hatol sa kanya ng korte na 6 hanggang 10 taong pagkabilanggo at nakapagbayad ng danyos na P4.6 milyon sa pamilya ni Laude. (RENE CRISOSTOMO)

139

Related posts

Leave a Comment