NORTH COTABATO – Dead on arrival sa ospital ang isang security guard ng Civil Security ng probinsiya makaraang pagbabarilin ng ‘di pa kilalang suspek sa Barangay Aringgay, sa bayan ng Kabacan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.
Sa report ng mga pulis, kinilala ang biktimang si Eddie Catigan, 48-anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Buluan, Kabacan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Kabacan PNP, pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo, alas-5:00 ng hapon.
Isinugod ang biktima sa Mindanao Doctors Hospital ngunit pasado alas 6:00 ng gabi ay nalagutan ng hininga.
Hindi pa tiyak ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (BONG PAULO)
188 