PUBLIKO PINAYUHANG SUMUNOD PA RIN SA HEALTH PROTOCOLS

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa publiko na patuloy na sumunod sa implementasyon ng minimum public health protocols para sa new quarantine status ngayong buwan ng Nobyembre.

Ang quarantine level para sa buwan ng Nobyembre ay inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), high-level policy-making government body para sa pandemic response.

Sa memorandum na may petsang Oct. 30, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang lahat ng lugar ay kailangan ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga hakbangin gaya ng minimum public health standards, partikular na ang kanilang uniformed implementation sa high-risk areas gaya ng healthcare settings, wet markets, supermarkets, government offices at workplaces.

Aniya, ang localized community quarantine ay dapat lang maipatupad sa priority o critical areas na may coronavirus transmission kabilang na ang private at public establishments.

Ang availability ng quarantine facilities ay kailangan ding taasan. (CHRISTIAN DALE)

134

Related posts

Leave a Comment