PUGANTENG PULIS ARESTADO NANG DUMAAN SA EDSA BUSWAY

KALABOSO ang puganteng pulis makaraang sitahin ng mga tauhan ng DOTr-SAICT at PNP-CIDG nang dumaan ito sa busway sa bahagi ng main avenue station ng EDSA busway, Lunes ng umaga.

Ayon sa SAICT, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng rush hour nang pumasok ang suspek sa busway dahilan para ito parahin.

Dito na nagpakilala ang suspek na pulis siya, dahilan upang humingi ng tulong sa CIDG ang SAICT para kumpirmahin na lehitimong miyembro ito ng Pambansang Pulisya.

Nadiskubre na sampung taon nang nagtatago sa batas ang suspek dahil may nakabinbin itong warrant of arrest sa kasong rape mula pa noong February 22, 2016.

Nasa kustodiya na ng CIDG sa Kampo Crame ang pulis at kinumpiska ng SAICT ang kanyang driver’s license.

(TOTO NABAJA)

46

Related posts

Leave a Comment