PULIS NAGBARIL SA ULO SA ROOFTOP NG PRESINTO

ILOILO – Patay na nang matagpuan ang isang pulis na may tama ng punglo sa ulo sa loob ng kanilang police station noong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Barotac Nuevo sa lalawigan.

Nadiskubre ang bangkay ng 36-anyos na police staff sergeant ng isa niyang kasamahang pulis na umakyat sa rooftop para kunin ang kanyang ball cap, ani Police Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office.

Nakitang nakahandusay sa papag, duguan at wala nang buhay ang biktima na may tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo.

Katabi ng bangkay ang isang Taurus TS9 9mm pistol, na isyu ng Philippine National Police (PNP), at isang basyo ng bala sa hindi kalayuan.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang suicide o accidental firing ang posibleng sanhi ng pagkamatay ng pulis.

(JESSE RUIZ)

79

Related posts

Leave a Comment