PULIS PATAY SA ‘PUMALAG’ NA MANOK

NORTHERN Samar – Patay ang isang pulis nang mahiwa ng tari ng manok sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang tupadahan sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Lieutenant Christian Bolok na nahiwa ng tari sa femoral artery o sa bahagi ng kaliwang hita.

Ayon sa report, habang kinukuha ng biktima ang panabong na manok bilang ebidensya nang pumalag ito at tumalon, naging dahilan upang mahiwa sa hita ang pulis.

Bunsod nang matinding pagdurugo, binawian ng buhay ang nasabing pulis.

“It was an unfortunate accident and a piece of bad luck that I cannot explain,” sinabi ni Provincial Police chief, Colonel Arnel Apud.

“I could not believe it when it was first reported to me. This is the first time in my 25 years as a policeman that I lost a man due to a fighting cock’s spur,” dagdag nito.

Tatlong sugarol ang naaresto ng mga awtoridad sa nasabing tupada habang ilang manok ang kinumpiska bilang ebidensiya. (CATHERINE CUETO)

263

Related posts

Leave a Comment