PUMASA SA FIRE, PENOLOGY AT LOCAL TREASURY EXAM MABABA

MAHIGIT sa 12,000 lamang ang pumasa mula sa 81,000 na kumuha ng Fire Officer Examination (FOE), Penology Officer Examination (POE) Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE) noong Oktubre.

Ito ang inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) hinggil sa resulta ng pagsusulit na isinagawa noong Oktubre para makapasok sa Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at local treasury.

Ayon sa komisyon, umabot sa 10,115 ang nakapasa sa FOE examination mula sa 63,621 examinees o katumbas ng 17.14%, habang 1,574 naman o katumbas ng 16.23 % ang nakalusot sa POE examination mula sa 10,461 examinees.

Umabot naman ng 18.13% ang pumasa sa BCLTE o katumbas ng 1,081 mula sa 6,723 examinees.

Sa kabuuan, 12,800 ang pumasa sa tatlong nabanggit na pagsusulit mula sa 80,805 examinees kung saan nangunana si Jayson E. Necida mula National Capital Region (NCR), sa FOE examination sa nakuhang 92.66 rating.

Top 1 naman sina Rolando O. Tubo, Jr., ng NCR, at Jannette Quinne A. Hernando ng Davao Region na kapwa nakakuha ng 91.08 rating sa FOE exam habang sina Dexter M. Recio ng Cordillera Administrative Region (CAR), Yin K. Baitus ng SOCCSKSARGEN at Kelvin B. Ramos mula Central Luzon, ang top 1 sa BCLT examination na pawang nakakuha ng 91.78 rating. (BERNARD TAGUINOD)

226

Related posts

Leave a Comment