“PINAYAGAN na po ang dine-in operations pero hindi po nangangahulagang piyesta at inuman na,”
Ito ang inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque makaraang pumayag ang pamahalaan sa gradual reopening ng mga food establishment with dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Kailangan lamang na masiguro na maipatutupad at masusunod ang health protocols sa ilalim ng dine-in setup alinsunod sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ang IATF ang highest policymaking body ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
Ang Dine-in service sa mga food establishment ay papayagan na mag-operate ng maximum 50% ng seating capacity.
Sa kabilang dako, ang Cordillera Administrative Region, Regions I (maliban sa Pangasinan), IV-B, V, VI, VIII, IX – (maliban sa Zamboanga City), X, XI (maliban sa Davao City) at XII, CARAGA, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa ilalim ng modified GCQ mula June 1 hanggang 15.
Ang nalalabing lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila ay nasa ilalim naman ng general community quarantine. CHRISTIAN DALE
