RADIO ANCHOR NILIKIDA SA BISLIG CITY

SURIGAO DEL SUR – Isang kilalang radio anchor at station manager ng Radyo Gugma, ang nilikida ng hindi pa nakikilalang gunmen sa Barangay Mangagoy, Bislig City sa lalawigan.

Kinilala ng Surigao PNP ang biktima ng pananambang na si Erwin “Boy Pana” Segovia, na binaril nitong Lunes ng umaga habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Barangay Mangagoy.

Inaalam pa ng Bislig City Police kung may kinalaman sa trabaho bilang radio program host o dahil sa pulitika ang motibo sa paglikida sa biktima.

Lumitaw sa imbestigasyon, pauwi na sa kanyang bahay si Segovia matapos ang kanyang programang “Diretsahan ni Boy Pana Segovia,” isang pang-umagang public affairs na isinasahimpapawid ng radio station 95.8 DXCB FM, sakay ng motorsiklo, nang barilin siya sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek. (JESSE RUIZ)

35

Related posts

Leave a Comment