RADIO ANNOUNCER BINARIL, PATAY

DUGUANG bumulagta ang isang radio announcer matapos tambangan at pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek na nakamotorsiklo, kagabi sa probinsya ng Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang si Cornelio Pepino, 48-anyos, DYMD Energy FM announcer/reporter, at tubong Barangay Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental.

Batay sa report ng Dumaguete City Police Station, dakong alas 8:30 kagabi nang maganap ang insidente sa Villa Amada, North Road, Barangay Daro, Dumaguete City, Negros Oriental.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, katatapos lamang ng radio program ng biktima at pauwi na ito kasama ang misis sakay ng kanilang motorsiklo.

Pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang silang hinarang mga suspek na nakamotorsiklo at isa sa mga ito ay pinagbabaril ang biktima saka pinaharurot ang motorsiklo.

Kaagad naman dinala sa Siliman University Medical Center ang biktima pero idineklara  itong patay ng sumuring doktor

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente at inaalam na rin kung may kinalaman sa trabaho ang motibo sa krimen. ANNIE PINEDA

 

218

Related posts

Leave a Comment