RAPE SUSPECT NASILO SA TONDO

ARESTADO ang isang 35-anyos na suspek sa dalawang beses na panggagahasa sa isang dalagita makaraang matunton sa Brgy. 254, Tondo, Manila noong Sabado.

Kinilala ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang suspek na si Cornelio Gayo, tricycle driver, at residente ng Barangay 253, Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, bandang alas-12:30 ng tanghali nang mamataan ang suspek sa nasabing lugar, matapos inguso ng impormante.

Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador, ng Regional Trial Court, Branch 29 ng City of Manila, ang suspek ay inaresto sa kasong 2 counts ng qualified statutory rape.

(RENE CRISOSTOMO)

158

Related posts

Leave a Comment