RAPIDO MUNTIK NANG MABIKTIMA NG SCAMMER SA UAE!

RAPIDO NI TULFO

NOONG nakaraang taon, sa kasagsagan ng problema ng mga OFW sa Dubai, UAE sa nawawalang mga bagahe, naisipan ng inyong lingkod na maghanap ng kapartner sa bansang UAE para mag-umpisa ng cargo company upang matiyak na makararating sa mga pamilya sa Pinas ang mga bagaheng ipinadadala ng mga OFW.

Marami tayong nakilalang “investors” doon at natuto tayo na iba ang sistema ng pagnenegosyo sa bansang UAE.

Ang pinakahuling nakausap ng Rapido ay itong si Ferly Marie Dela Cruz Reyes, na ipinakilala ng dating correspondent ng Rapido sa UAE.

Dahil sa pagiging maingat ng inyong lingkod na maging maayos at legal ang lahat sa negosyo ay hindi natuloy ang aming pakikipagpartner kay Ferly Marie.

At makalipas ang mga buwan, napag-alaman namin na marami palang kaso itong si Ferly Marie sa UAE. Kabilang na dito ang kasong estafa na isinampa sa kanya ng mga OFW doon dahil sa pagkuha nitong ng malalaking pera.

Isang OFW umano ang nagbigay kay Ferly Marie ng 23kAED o katumbas ng halos P300,000 para sa pagnenegosyo ng saging na saba sa UAE pero wala itong naibigay na negosyo sa pobreng OFW.

Malaki ang ipinagpapasalamat ng inyong lingkod sa Poong Maykapal dahil hindi natuloy ang pakikipagpartner ko sa taong ito. Kundi pati ako ay madadamay sa pang-iiskam n’ya.

Sa huling balita sa Rapido ng mga OFW doon, nag-expire na ang visa na hawak ni Ferly Marie nitong January 27, 2023 kaya sa panahong ito ay illegal alien na ito sa bansang UAE. Dapat ay mahuli na ang taong ito upang hindi na makapanloko pa.

364

Related posts

Leave a Comment