PINAG-AARALAN na ng Supreme Court ang reklamong inihain laban kay Senator Francis Chiz Escudero kaugnay ng umano’y paglabag sa P30-milyong campaign donation.
Sa En Banc Resolution, kinatigan ng mga mahistrado ang petition for review na inihain ni John Barry Tayam.
Hiniling ni Tayam na baligtarin ang naunang desisyon ng Commission on Elections Political Finance Affairs Department na nagsabing walang paglabag si Senador Escudero sa Omnibus Election Code.
Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon na tumanggap umano ng donasyon ang Senador mula sa isang contractor para sa flood control projects.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pinal na desisyon ang Korte Suprema hinggil sa nasabing usapin.
(JULIET PACOT)
46 