REKLAMO NG BI EMPLOYEES NA KATIWALIAN KAY VIADO DINEDMA NG DOJ?

BISTADOR ni RUDY SIM

SA kabila ng karaingan at reklamo ng mga concerned Bureau of Immigration employees hinggil sa umano’y lumalalang corruption sa ahensya sa pamunuan ng kasalukuyang commissioner nito na si Atty. Joel Anthony Viado, ay tila walang pag-asang aksyunan ng Department of Justice na masibak sa puwesto ang nasabing commissioner makaraang makahanap ito ng kakampi nang ipahayag ng mismong DOJ na mahina ang (kuno) ang ebidensya laban sa hepe ng BI, na may nangyayaring katiwalian.

Tila nagbubulag-bulagan itong si SOJ Boying Remulla sa tunay na mga nangyayari sa isang ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Bakit hindi pa ba sapat na ebidensya, Sir, ang tila ‘hulidap’ na ginagawa ng BI sa nahuhuling foreign nationals sa ilegal na POGO?

Ang 39 foreign nationals na hinuli noong May 29 sa BGC Taguig ng mga operatiba ng Intelligence Division, na umabot sa 39 katao, bakit sa kabila nang inilabas na commitment order para ilipat at doon ikulong sa Bicutan warden facility ay nanatili ang mga dayuhan sa isang airconditioned office room ng BI main office, na maging ang hepe ng intelligence division ay naging sunud-sunuran at ginawa pang tagapagbantay ang intelligence agents.

Isang araw lang matapos mahuli itong 39 na dayuhan ay bakit kinabukasan ay ginawa na umano agad ang release order para sa mga ito sa kabila nang kanilang paglabag sa Philippine Immigration law patungkol sa maling visa. Mayroon kayang malaking tao bukod kay Viado para madaliin ang pag-release sa mga ito?

Hindi natin masisisi ang hepe ng BI Legal division na si Atty. Arvin Santos kung bakit naging sunud-sunuran din itong nagpalabas ng release order noong June 9, para palabasin sa detention center ang 39 dayuhan na sina CHEN FANER, CUI LEI, FU KAI, GAN CHENCHEN, GAN QI, GAO YIFEI, JIAN JIAEN, LI TIANHUI, LI ZAN, LIU HAIMING, LIU KUN, LIU QING, LIU XINPING, MO WEILIN, OU JUNRONG, PAN JIACHEN, QUIAO YAN, QIAO YUE, SHA XINGYUE, SUN RUILING, SUN XIJIAN, TUO HUI, WANG SHIYI, WANG XUECHUN, WANG YI, WEI JINFANG, WU MINMIN, WU XIAOQIANG, WU YIFEI, YANG LIN, YANG PENGSHAN, YANG WENTAO, YOU JIA, ZHANG HONGBO, ZHANG PENGPENG, ZHONG QIRONG, ZHOU FEIFEI, ZHU BENYUE at ZHU LIN.

Ang VIP treatment na ito sa mga dayuhang nahuli noong May 29 at pinakawalan lamang noong June 9, ay hindi makatarungan para sa ibang inmates sa warden facility lalo na ang mga walang sapat na salapi para sa ‘under the table’ upang mapansin ang kanilang request na mapawalang bisa ang kanilang kaso o kaya ay mapagbigyang makalaya lalo’t ang ilan dito ay may pamilya at kasal sa ating kababayan.

Matagal nang bulok na sistema ng BI ang ganitong kalakaran kung kaya’t sa tingin ng maraming dayuhan sa ating bansa ay mukhang pera ang mga Pilipino dahil sa mga tiwaling kagaya na lamang ng namumuno ngayon sa ahensya.

Nagpahayag si PBBM na kahit walang pirma ng mga empleyado ng BI ang kumakalat na open letter kaugnay sa reklamong katiwalian kay Viado, ay kanya pa rin umano itong titingnan. Nasa Pangulo ngayon ang pag-asa na mabago ang bulok na sistema ngayon sa ahensya kung magtitiwala pa ba ang pangulo sa pagdepensa ni Remulla sa kanyang bata na si ‘Bulldog’ o mas kakatigan ang nakararami.

Bakit ngayong bata ni Remulla ang commissioner ng BI ay tahimik at tinatawanan lamang nito ang katiwalian sa ahensya samantalang noong panahon ni dating Commissioner Norman Tansingco ay daig pa ang tumbong ng manok ang bibig nito na binabatikos ang BI? Anyare?

Abangan pa ang ating pambibisto sa mga katiwalian ng kasalukuyang namumuno ngayon sa BI.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

37

Related posts

Leave a Comment