INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy industry at emerging technologies sa Pilipinas.
Nanawagan si Pangulong Marcos sa isinagawang AZEC Leaders’ Meeting sa Tokyo, Japan kung saan ipinakilala nito ang “energy efficiency at conservation measures” ng bansa.
Aniya, sasapi ang Pilipinas sa AZEC Partners ”to accelerate a clean, sustainable, just, affordable, and inclusive energy transition towards carbon neutrality, or net-zero emissions.”
“We welcome this timely initiative to tackle climate change as a common global challenge and advance cooperation towards carbon neutrality/net-zero emissions while ensuring energy security,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“This gathering is very timely given the recent COP28 in Dubai and I am confident that this initiative will contribute to the global acceleration of an inclusive energy transition,” aniya pa rin.
Binanggit pa ng Chief Executive na ang unang wind farms sa Southeast Asia ay itinayo noong panahon na siya ay gobernador ng Ilocos Norte.
Sinabi pa rin niya na nagtakda ang Philippine government ng target nito para itaas ang share ng renewable energy sa power generation mix ng 35% sa 2030 at 50% sa 2040, magreresulta aniya ito ng 3.3 billion tons ng iniiwasang GHG emissions sa 2023-2050 planning horizon.
Ginarantiyahan naman ni Pangulong Marcos ang mga investor na nasa Pilipinas na maaaring mag-avail ang mga ito ng ‘simplified rules’ para sa pagtatayo ng Renewable Energy facilities at karagdagang insentibo gaya ng income tax holiday at duty-free importation ng capital equipment.
(CHRISTIAN DALE)
