NAGLABAS ng opisyal na pahayag si ACT-CIS Congressman Erwin Tulfo sa pagbasura ng disqualification petition na inihain ng isang Berteni Causing laban sa kanya.
Ibinasura rin ng 1st Division ng Commission on Elections ang isa pang disqualification case na isinampa ni Causing laban kay Cong.Tulfo.
Ito ay kasunod ng pagbasura ng Comelec sa naunang DQ case na inihain naman ng isang Virgilio Garcia. Bunsod nito ay lubos ang pasasalamat ng mambabatas.
“Una sa Poong Maykapal sa Kanyang patuloy na paggabay sa akin sa mga pagsubok na ito,” ani Tulfo.
Nagpapasalamat din siya sa kanyang legal team, sa pangunguna ni Atty. Karen Jimeno. Higit sa lahat ay nagpasalamat siya sa patuloy na tiwala at suporta sa kanya ng publiko.
Aniya, “ang desisyong ito ng Comelec ay muling nagpapatunay ng mariin nitong pagbabantay para sa isang tapat, patas at may integridad na pagpapatupad ng mga batas hinggil sa halalan”.
