KAILANGANG mareporma ang pamahalaan para maharap nito ang mabibigat na problema kagaya ng pandemya at ang korapsyon.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dagdag na karapatan para sa mamamayan at makatuwirang paggamit sa maliit nang mapagkukunan ng pantustos ang dapat na maging pagbabago sa pamahalaan.
“As one nation, we must reinvent our bureaucracy – one that innovates and empowers its citizens, and commits to doing more with less.
Make no mistake: our government is not just any family business, it is our nation’s business,” banggit ni Lacson sa kanyang pagsasalita sa mga kasapi ng Rotary Club of Parañaque North nitong Sabado.
“The first agenda is addressing the pandemic. We cannot see it ending soon. The second is addressing corruption, which has been on the top of my list ever since I started my public service – when you address corruption, you are halfway to solving the nation’s problems,” paliwanag ng mambabatas.
Iginiit ni Lacson na dapat gamitin ang “zero-based budget planning” tulad ng ginagawa ng mga matatagumpay na pribadong kumpanya, sa halip ng pagpataw ng “budget ceiling” na ginagawa sa kasalukuyan.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, malaking halaga sa badyet ang hindi nagagamit nang maayos dahil sa kakulangan ng pagpaplano.
Binanggit din ng mambabatas na dapat baguhin na ng gobyerno ang overregulation o wala sa lugar na paghihigpit na humahantong sa pagkatukso sa ilan na gumawa ng katiwalian.
Kailangan din aniya na ganap nang maipatupad ang digitization para mapalakas ang ekonomiya at mabawasan kundi man masawata ang “human intervention” o pisikal na partisipasyon ng mga tao sa transaksiyon ng pamahalaan sa usapin ng koleksiyon ng buwis. (ESTONG REYES)
