ANIMNAPUNG araw na lamang ang hihintayin at lalabas na ang resolusyon ng piskalya hinggil sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Inihayag ito ni Atty. Mike Santiago, abogado ng isa sa 11 sangkot sa kasong rape with homicide
Si Dacera ay natagpuang patay sa City Gardens Grand Hotel sa Makati City noong Enero 1.
Sinabi ni Satiago na kung walang matibay na batayan ang kaso laban sa mga akusado ay ibabasura ito ng piskalya.
Tinapos nitong nakaraang linggo ng Makati Prosecutor’s Office ang imbestigasyon sa isinampang kaso laban sa 11 respondents sa Dacera case.
Sa kabilang dako, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na malapit nang matapos ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sarili nitong imbestigasyon hinggil sa kaso. (MARINHEL T. BADILLA)
