RETENTION NG SUBCONTRACTOR IBALIK!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, humihingi po ako ng tulong sa pamamagitan ng inyong kolum sa pahayagang SAKSI Ngayon na maalalayan ninyo ako sa dahilang halos dalawang taon na ang nakaraan mula nang natapos ang aking kontrata sa pabahay ng gobyerno sa may Mapulang Lupa Pandi, Bulacan.

Ang developer po nito ay Atlantica Realty Development Corporation at ang kanilang opisina ay sa Suite 205 E&V Building #1039 Quirino Hi-way cor. Dumalay St., Novaliches.

Hanggang sa ngayon ‘di ko pa nakukuha ang retention na back fee mula sa developer. Hindi katulad ng ibang mga developer at kontraktor na pagkatapos ng kanilang unit na ginagawa awtomatikong binabalik sa kanilang mga kontratista ang retention na back fee. Nang kausapin ko po ang site engineer ay sabi antayin lang daw dahil ibabalik din ang retention pero 2019 na wala pang nangyayari.

Ito  po ang mga unit na aking ginawa mula noong 2016 Blk. 17;  Blk. 25 Lot 1-25; Blk. 55 Lot 2-22; at Blk. 13-45 at natapos na po ang mga ito. Katunayan, may mga tao nang nakatira at ang site engineer sa Atlantica Realty Development Corporation na si Engr. Jason Nebonco ay nag-resign na.

Malaking kawalan sa aming mga subcontractor ang 10% na kanilang kinakaltas. Maliit na nga po ang bigay sa aming mga kontratista na kung susumahin ay wala na po sa minimum ang aming sahod kaya napakalaking bagay po kung ibabalik ang aming retention.

Gumagalang,

Emiel Bigayan

Subcontractor

Tinatawagan: Atlantica Realty Development Corporation. Mga sir/madam, ano po ang inyong patakarang pinatutupad sa inyong mga kontratista at subcontractor na kinakaltasan ninyo ng retention fee na 10% sa kanilang suweldo?

Ayon sa inyong kontraktor, mula noong 2016 wala pa silang nakukuha sa inyo at alam ninyo kung magkano ang kinakaltas kasi mismong ang inyong site engineer ang siyang nagsusuma kung magkano ang kanilang suweldo at ginawang per accomplishment sa bawat unit na tinatapos.

Bukas  po ang aking kolum  para sa inyong  panig  at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, Pag-IBIG, Homeowners at iba pa. Mobile no. Smart 09420874863 /09755770656 Email address: misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com

153

Related posts

Leave a Comment