MAAGANG ipinagdiwang ni Ricky Reyes, founder ng Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) ang kanyang ika-76 na kaarawan na ginanap sa opisina ng organisasyon sa Maynila noong Linggo, Marso 29, 2026 kasama ang mga batang cancer patient.
Nagpasalamat ang mga batang pasyente mula sa CHILD Haus sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sulat-kamay na liham sa beauty icon at kay SM Prime Holdings CEO Hans Sy bilang pagpapahalaga sa kanilang patuloy na suporta.
Kabilang sa mga dumalo sa selebrasyon sina Sergio Yu, Manny Sy, Jun Gaw, Eisa Mercado, Darling De Jesus, Gigi Lara ng GMA-7, Flor Santos, at Gwen Pang ng Philippine Red Cross.
Dumalo rin ang mga miyembro ng pamilya ni Ricky Reyes, kabilang sina Connie Canlas, Toneyte Moreno, at Les Reyes.
59 