RIDER BUMANGGA SA 2 SASAKYAN NAGULUNGAN, PATAY

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang magulungan ng isang Isuzu Elf nang okupahan ang kabilang linya ng kalsada matapos ntiong mabangga ang sinunsundang dalawang sasakyan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Isinugod sa Binakayan Hospital ang biktimang si Jay Maano Puerto, nasa hustong edad, dahil sa malubhang sugat sa katawan ngunit binawian ng buhay.

Ayon sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan Jr., ng Kawit Police, dakong alas-8:20 ng ng gabi nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Covelandia Road, sakop ng Brgy. Congbalay, Kawit.

Nasa stop position ang isang Toyota Wigo na may plakang NAP 8341, na minamaneho ni Louie Ann Gutierrez, at isang motorsiklong Yamaha Mio na minamaneho ni Eugene Druce Guimalan, nang banggain ang mga ito ng minamanehong motorsiklo ng biktima.

Dahil sa pangyayari, nawalan ng balanse ang biktima at inokupahan ang kabilang linya ng kalsada kung saan binabagtas ng isang Isuzu Elf na may plate number na NUI 215 na minamaneho ni Rochelle Jimenez Ponla, patungo sa direksiyon ng Bacoor proper, dahilan upang magulungan nito ang biktima at nagresulta sa kanyang kamatayan.

Napinsala sa nasabing insidente ang sasakyan nina Gutirrez at Guimalan. (SIGFRED ADSUARA)

172

Related posts

Leave a Comment