RIDER NA UMIWAS MAKASAGASA TUMILAPON, NAGULUNGAN NG KOTSE

CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider makaraang magulungan ng isang sasakyan nang tumilapon mula sa kanyang motorsiklo matapos iwasan ang isang taong tumatawid sa kalsada sa Bacoor City noong Linggo ng madaling araw.

Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si alyas “Lor”, 33, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa pinsala sa katawan.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda ACB125 na may plakang 237-PAV at binabagtas ang Aguinaldo Highway, Brgy. Habay, Bacoor City bandang alas-3:50 ng madaling araw nang tumawid ang isang tao sa kalsada.

Hindi ito inaasahan ng biktima na biglang tinapakan ang preno dahilan upang siya ay tumilapon mula sa kanyang motorsiklo sa southbound lane ng kalsada.

Paparating naman ang isang itim na sedan na binabagtas din ang southbound lane dahilan upang magulungan nito ang biktima.

Dinala ang biktima sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay.

(SIGFRED ADSUARA)

123

Related posts

Leave a Comment