MATAGAL nang naghahangad ng pagbabago ang mamamayan ng Tiaong, Quezon.
Kumbaga, ilang dekada na rin kasing hindi umaangat ang bayan. Kumbaga, marami pa ring nasa laylayan.
Kailangan na talaga ng tunay na pagbabago rito. At siyempre, kailangan nila ng mga bagong lider na tutulong sa kanila.
Hindi pupuwedeng maglagay lamang ng kung sinu-sino na wala namang kakayahan. Mahalagang mag-isip nang mabuti ang mga taga-Tiaong.
Nariyan naman ang negosyanteng si BOSS RJ MEA na nasa puso ang pagtulong sa mga mahihirap. Laging kapakanan ng mga taga-Tiaong ang iniisip niya.
Kaya nang maghain siya ng kandidatura, tuwang-tuwa ang mga residente.
Bago kasi ang kailangan nila. ‘Yung may tunay na malasakit sa mga mahihirap.
“Ang 31 barangays, parte ng Tiaong. Walang maiiwan!” wika ni Mea.
Siyempre, walang pinipili ang serbisyo ni Mea. Kaya lahat ay kasali, mga ka-sabong. Sa lahat ng problema, MEAksiyon agad si Mea.
Kapag may lumalapit sa kanya at nangangailangan ng tulong, tinutulungan agad niya nang walang pag-aatubili.
“Maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa aming lapian!” wika ni Mea matapos ang pagdalaw niya sa ilang barangay na hinatiran nila ng tulong.
Kung papalarin, tututukan ni Mea ang pagpapaunlad sa agrikultura. Siyempre, maraming mahihirap na magsasaka riyan na kailangan ng tulong.
Nariyan ang pagsasaayos sa farm-to-market roads na isa sa mga pangunahing tututukan ng liderato ni Mea.
Hindi rin mawawala ang kalusugan, edukasyon, at imprastraktura na makatutulong sa mga mamamayan.
Kaya suportahan po natin si RJ Mea sa halalan dahil tiyak na dadalhin niya ang Tiaong, Quezon sa tunay na progreso.
Mabuhay po kayo at God bless!
