ROMUALDEZ NAKAKAGULO NA SA ADMIN NI BBM?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

PAKIWARI lang ‘to. Hindi raw oposisyon ang pasimuno ng impeachment at aberya sa gobyerno.

Silipin natin ang loob ng Malacañang bago akalaing ‘yung mga kontra o hindi kaalyado ang nagpapahina sa administrasyong Marcos Jr.

Eto kasi. Habang nagsusumikap si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkuha ng mga mamumuhunan at mapaganda ang ekonomiya para sa Bagong Pilipinas, merong ilang nasa loob ng kanyang kampo ang tila sariling adyenda ang nilalaro.

Kabilang sa may ibang balak si Speaker Martin Romualdez.

Bagaman siya ang nagsulong ng open budget, isang transparency move, pero ginamit daw para sa sariling kapangyarihan.

Imbes magpaliwanag nang maayos sa Senado, isinulong ang impeachment.

Nadismaya nga ata ang Philippine Chamber of Commerce and Industries sa national budget dahil sa insertions.

Kaya pakiwari ng ilan, itong pasabog ay hindi galing sa kalaban, kundi sa mismong kaalyado ng administrasyon.

Teka, hayag namang may interes si Speaker na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2028. Kaya ba kaliwa’t kanan ang press release at photo-op?

Walang masama basta galing sa sariling bulsa ang ginagastos. Kaso nga lang kung nagagamit ang Kongreso sa kampanya ay nalalagay sa alanganin ang administrasyon.

Nakataya rito ang tiwala at integridad ng Kongreso, at malamang maapektuhan ang sigla at direksyon ng gobyernong nagsisikap bumangon.

Suportado ngayon ni Romualdez ang panukalang buksan sa publiko ang bicameral deliberations para sa national budget.

Inaanyayahan pa nga niya ang publiko na makialam, makinig, at manood kung paano ginagawa ang budget na pera at kinabukasan ng publiko.

Ayan, pinahahalagahan ang transparency at accountability para ibalik ang tiwala ng publiko at tiyaking ang pambansang budget ay sumasalamin sa kalooban at kapakanan ng mga tao.
Ganyan dapat. Sana mangyari.

Ang kaalyado ay hindi nanggugulo. Ang tunay na lider ay hindi ginagamit na campaign fund ang Kongreso, dahil hindi nyo pag-aari ang gobyerno.

Pero ang tunay na malasakit sa bansa ay higit na nakikita kung ang isang lider ay magbibitiw kapag ramdam niya na siya ang problema.

83

Related posts

Leave a Comment