RUBIO PANAUHIN SA PAGTATAPOS NG 30TH ANNIVERSARY CELEBRATION NG BOC-POS

NAGING panauhing panda­ngal si Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa pagtatapos ng month-long series of events ng Bureau of Customs – Port of Subic noong Hulyo 14, 2023.

Pinangunahan ni BOC-Port of Subic District Collector Carmelita M. Talusan ang selebrasyon ng kanilang 30th Founding Anniversary bilang marka ng tatlong dekada ng hindi natitinag na pangako para sa kahusayan at serbisyo.

Ang nasabing okasyon ay nagsimula noong Hunyo 17, 2023, at ipinagdiwang ang month-long series of events na naka-focus sa ‘community, personnel training, and recog­nition of stakeholders and partner agencies’.

Ang selebrasyon ay nagsimula sa outreach program na pinamagatang “Shoes for a Cause,” na isinagawa noong Hunyo 17, 2023, kasama ng Aeta Community, sa Pastolan Village, Olongapo City, Zambales. Ang iba pang aktibidad ay ang “Port of Subic Olympix,” na inilunsad sa pamamagitan ni Collector Talusan noong Hun­yo 24, 2023, at kasama ang Marksmanship Training, Fun Run, at Bike Ride.

Bago ang okasyon, isang Marksmanship Training ang isinagawa noong Hunyo 19, 2023, sa pamamagitan ni World Shooting Champion Jethro Dionisio, at ang District Collector.

Pinamunuan naman ni Commissioner Rubio ang pagtatapos ng pagdiriwang na isinagawa noong Hulyo 14, 2023.

Sa seremonya, ang Port of Subic ay ipinakita ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng paggawad ng ‘plaques of appreciation’ sa kanilang nangungunang importer at partner agencies.

Karagdagan nito, isang pagpupugay ang ipinagkaloob sa retiring personnel at past District Collectors.

Ang komunidad ay kasama sa mahalagang bahagi ng anniversary program, na nagpapakita ng sinseridad sa pangako ng BOC-Port of Subic sa mga Pilipino.

Kasama rin nito ang fitness activities na ang layunin ay bigyan ang mga empleyado at stakeholders ng isang work-life balance.

Panghuli, sa pagtatapos ng seremonya, isang taos-pusong pagpapahayag ng pasasalamat ang isinagawa ni Collector Talusan sa lahat ng stakeholders at partner agencies.

Ang naturang founding anniversary ay sama-samang inorganisa sa pamamagitan ng BOC – Port of Subic, para ipahayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa bawat isa na tumulong sa kanila para maabot nila ang ika-30 taon ng pagseserbisyo.
(JOEL O. AMONGO)

424

Related posts

Leave a Comment