Sa alok ni Pangulong Duterte na bilhan ang Senado ng Pfizer vaccines SOTTO: THANKS, BUT NO THANKS

KUMBINSIDO si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na mali-maling impormasyon ang nakararating kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagdinig ng Senado hinggil sa vaccination program ng gobyerno.

Ito ay makaraang sitahin ni Pangulong Duterte ang mga senador sa pagbibigay prayoridad sa pagbili ng bakuna mula sa Pfizer.

“You senators want Pfizer? In Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Do you want it? We’ll order for you,” saad ni Duterte.

Tumanggi naman si Sotto sa alok kasabay ng paninindigan na ipagpapatuloy ng Senate Committee of the Whole ang kanilang pagdinig sa Biyernes.

“To his offer, thanks but no thanks. We will convene with our Comm hearing whatever,” giit ni Sotto.

Samantala, nagtataka rin si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kung saan nakuha ng pangulo ang impormasyon dahil sa kanyang pagkakaalam walang sinomang senador ang nag-eendorso ng Pfizer vaccine o anomang brand.

“What we are doing in the senate is an exercise of our oversight over the appropriations laws that we passed particularly on the purchase of the vaccines. There are no personal or political agenda involved in our inquiry as insinuated by Sec Galvez earlier,” paliwanag ni Lacson.

“I don’t think the public will favor the idea of gov’t not disclosing their actions re road map of d vaccination program,” diin pa nito.

Iginiit naman ni Senador Joel Villanueva na layon lamang nila ay magkaroon ng transparency sa procurement ng bakuna.

“Tuwing pinupulido po natin ang plano sa national vaccination program, ibig sabihin tinutulungan natin ang ehekutibo at hindi nakikipagkumpetensya. Katulong po tayo, at hindi karibal. Kapag naitama natin ang mga nakikita nating mali sa plano ngayon, taumbayan po ang panalo dito,” diin nito.

“Ito po ang tanging layunin ng pagdinig ng Senado sa national vaccination program. Simple lamang po ang magiging panuntunan dapat sa pagbili ng bakuna. 3M. Mabisa, Mura o abot-kaya, at Makakarating agad,” dagdag pa ni Villanueva. (DANG SAMSON-GARCIA)

95

Related posts

Leave a Comment