Sa dagdag na kasong money laundering KERWIN ESPINOSA INARESTO SA NBI JAIL

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si Kerwin Espinosa ng Albuera, Leyte, habang nakapiit ito sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue, Ermita, Manila, noong Biyernes ng hapon, dahil sa 11 counts ng money laundering.

Batay sa ulat ni P/Major Rommel Anicete na isinumite kay P/Lt. Col. Noel Aliño, hepe ng DIDMD ng MPD, bandang alas-2:40 ng hapon nang magtungo ang grupo ni Anicete sa NBI, bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Mario Quinit, 8th Judicial Region ng Regional Trial Court Branch 12 ng Ormoc, Leyte, dahil sa kasong paglabag sa Section 4 (A) at (B) ng Republic Acts 9160 (Anti-Money Laundering).

Inirekomenda naman ng korte ang piyansang P140,000 para sa bawat isa sa 11 counts na kaso ng suspek.

Naunang inaresto si Espinosa dahil sa kaso sa ilegal na droga. (RENE CRISOSTOMO)

323

Related posts

Leave a Comment